top of page
Writer's pictureQCU Times Publication

[FULL TEXT] Welcoming Remarks of QC Mayor Joy Belmonte


Mayor Joy Belmonte delivers her welcoming remarks during the Batch Pinagtibay commencement exercise.

Sa ating pangunahing tagapagsalita Councilor Wilbert Lee at President Dr. Theresita V. Atienza, mga magulang at mahal sa buhay, at higit sa lahat sa mga mag-aaral na magsisipagtapos ngayong araw. Isang maligaya at mapagpalang umaga sa ating lahat.


Realtalk muna, kayo ay graduate na ngayon kaya welcome to the world of unemployed. Naniniwala ako[ng] hindi magtatagal ay makakakuha agad kayo ng trabaho o magiging bahagi ng isang negosyo. Tama ba? Syempre dahil QCU graduate kayo.


Ayon mismo sa datos/tala ng DOLE at STAR, among the values sa ilalim ng OSIC Education Philippine Industry, akma sa inyong mga kurso ay kabilang sa mga hanapbuhay na in demand sa Pilipinas. Dagdag pa rito, sa tulong ng ating mga huwaran na kumpanya, tinukoy ng ating Philippine Employment Business Office na maraming bakanteng institusyon na maaaring pasukan kabilang na ang pagiging accountant, marketing staff at sales executive. Ayon naman sa professional kineme report of accountancy, bagama't may 200,000 registered CPA na sa bansa [ay] malaki pa rin ang pangangailangan para sa mga CPA. Sa kabilang banda, lumalago rin ang bilang ng mga kabataang negosyante at hindi lang yan bukas sa iba't ibang oportunidad sa mga sangay ng pamahalaan sa inyong mga magsisipagtapos. Para sa mga graduate ng accountancy, maaari kayong maging auditors sa pamahalaan na magiging katuwang namin sa pagsugpo ng katiwalian. Para sa naman sa mga graduate ng Entrepreneurship, mayroong mga programa ang ating lokal na pamahalaan na nagbibigay suporta sa mga nais magtayo ng negosyo. Isa sa mga patunay [ang] magaling na graduate ng QCU [na] si Dexter Jr. Bano na nagtapos sa kursong Entrepreneurship noong taong 2019. Noong estudyante pa lang [ay] naging pangulo siya ng QCU Young Entrepreneur Society at binuo ang QCU Annual Entrepreneurship Conference. Matapos grumaduate [ay] agad siyang kinuha ng Orvical Exploration Technology Support Incorporated, isang registered airspace and contractor na gunagawa ng space craft at iba pang teknolohiya. Naging author din si Dexter ng ilathala niya ang aklat na "Bisikleta ni Pepe". Sa kasalukuyan, si Dexter ay nag-aaral ng Masters of Business Administration sa Quantic School of Business and Technology bilang fourth scholar sa ilalim ng Strada Scholarship for energy movers.


Tiwala ako na gaya ni Dexter, inihanda kayo ng QCU para sa pagpasok sa mundo ng paghahanap buhay alinsunod sa ating layunin na gawing number 1 locally work skill of employed graduates ang QCU. Kung hindi naman, inaasahan ko na magiging bahagi kayo ng mga kilalang negosyo na nagsusulong ng mga produkto na makatuloy o maging entrepreneur gaya ng mga lumahok sa ating programang Start-Up QC. Na dahil sa kanilang mga orihinal na idea ay nabigyan grant ng one million pesos ng local government. Kayo namang nagtapos ng kursong Accountancy, taglay ninyo ang mahahalagang kakayahang magagamit upang pulungin ang mga namumuno at mananalapi. Bawat isa sa inyo ay hinasa para magkaroon ng sapat na mga kasanayan gaya ng pamamarisan ng datos, pagbubukod ng maayos na sistemang pananalapi at paggawa ng malalang desisyon para sa kapakanan ng negosyo. Tiwala akong magiging masigasig kayo sa pagrerevirew upang dumami pa [a]ng bilang ng Certified Public Accountants na naninirahan sa Quezon City. May isa lamang akong paalala, ang tunay na layunin ng inyong pagtatapos sa QCU ay ang gamitin ng lahat ng inyong natutuhan sa loob ng apat na taon upang tumulong sa iba lalong lalo na sa mga sektor na nangangailangan ng tulong. Ito ay tatak ng isang QCitizen. As graduates of Accountancy and Entrepreneurship, you have been hold to possess a unique blend of analytical powers and creative vision. You have sharpen your skills in financial management, strategic value and problem solving. More than a numbers, you have been talk the art of innovation and seek opportunities and develop changing business landscape. QCU pride itself, as a producer of employable graduates it is preparedly to navigate the complexities of existing and new markets while upholding the highest ethical standards. A reminder forever, your focus should not be on the - or in awards your receive rather it is about being an agent of positive change in the lives of others - prominity.


Bago ako magtapos may iiwan akong kwento. May mag amang nag-uusap sabi nang tatay "Oh anak graduate ka na, bakit hindi ka man lang mag trabaho o mag isip ng negosyo? Iyong maliit lang ang puhunan. Ilang linggo ka ng pahila hilata lang, relax na relax ka dyan." Sabi nang anak "Tay bakit kailangan mo magdali sa paghahanap ng trabaho at kulitin ako?" Paliwanag ng tatay "Syempre, para umunlad ang buhay mo, yumaman ganon. Makabili ka ng maraming kotse, magka bahay at makapag abroad. Ayaw mo non?" Sabi ng anak "Syempre, maganda iyon. Pero kung natupad ko iyon, ano ng gagawin ko?" Sagot ng tatay "Eh pag mayaman ka na pwede ka na mag relax" [...]


Pero paalala lang, huwag gayahin ang kanilang katwiran. Magsikap kayo hindi lang para makaunlad ng buhay. Hindi magtatagal bubuo rin kayo ng pamilya at kailangan niyo rin silang itaguyod. Hindi masama na mag relax relax minsan kapag nakaramdam nang pagod o takot ang katawan at isipan. Mahalagang tandaan na kayo ang Iskolar ng Bayan, ang tuition po ninyong kabataan ay galing sa buwis ng bayan. Hindi pwedeng mag relax. Kailangan natin idisiplina ang ating sarili upang umunlad ang ating sarili at bansa


Muli isang maganda at mapagpalang umaga sa ating lahat. Pagbati sa ating mag aaral na magsisipagtapos ngayong araw at patuloy ninyong abutin ang inyong mga pangarap para sainyong sarili, pamilya, komunidad, at ating bansa.

Winiwelcome ko kayo ngayon sa inyong araw ng inyong pagtatapos. Ito ang simula ng buhay ninyo. Congratulations din kay nanay at tatay. At sa lahat ng nagsikap para mabuo at maging maging matagumpay ang programang ito. I congratulate the professors and your teachers, hindi madali ang trabaho ninyo, to shape the next generations. Because I know that these graduates will become outstanding graduates who will pursue the best interest of the country. Because at the end of the day, that is what [it] means to become a graduate of the Quezon City University.


CONGRATULATIONS SA ATING LAHAT!

24 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page