top of page
Writer's pictureMel Chato

September na pala, pasko na!

Updated: Oct 19, 2022


“Whenever I see boys and girls selling lanterns on the street,” isa lamang yan sa mga laman ng feed nyo sa Facebook o sa kahit anong social media noong August 31 na may caption na “ops warm up lang para mamaya” ang siyang trip na i-share at i-post ng mga Pinoy social media user. Samu’t saring memes na may video at larawan ni Jose Mari Chan na kilala sa pag-awit ng mga pampaskong kanta ang talaga namang kinaaliwan ng mga Pilipino. Kung susumahin, tatlo at kalahating buwan pa ang bibilangin bago ang pasko sa December 25, pero ano nga ba ang dahilan kung bakit tila sa Pilipinas kapag -ber months ay pasko na?

Pilipinas, bilang bansa kung saan mas marami ang Katoliko ay isa sa anim na bansa sa buong mundo na may pinakamahabang Christmas season. Marahil naging bahagi na rin ng Pilipinong kultura at tradisyon ang pagmamarka ng September 1 bilang simulang araw ng pagbibilang bago ang pasko. Kaya naman bukod sa malamig na ang simoy ng hangin sa pagpasok ng "ber months", ay ang siya ring simula ng bentahan ng mga parol at kung ano-ano pang dekorasyon para sa paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan.


Pamilyar sa mga Pilipino ang salitang “ber months” bilang simula ng Christmas season, ngunit saan nga ba nagmula ang salitang ito? Ayon sa ibang mga kasagutan kung paano nagsimula ang nosyon ng "ber months", si Clifford Sorita, isang sociologist at dating seminarista na may utos ng Society of the Divine Word ay nagsabi sa NPR na ito ay lumago ng kusang sangay, nang walang anumang tiyak na timeline. Sinabi ni Sorita, gayunpaman, na ang phenomenang pumapalibot sa "ber months" ay kumakatawan sa isang “psychological time clock” para sa karamihan ng mga Pilipino upang maghanda ng isang Jammed Christmas Calendar kasama ang pamilya at mga kaibigan, lalo na ang mga umuuwi na OFW.


Isa na rin sa mga tradisyon ng Pilipino ang pagsisimula ng mga kanta at palabas na pampasko sa telebisyon at radyo kapag pumapasok na ang September, isa na rito ang mga sikat at tumatak na kanta ni Jose Mari Chan tuwing papalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan. Hindi mailalayo sa mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga palabas na may tema ng paskuhan na mapupulutan at makikitaan nila ng tradisyon at pusong Pilipino. Kagaya na lamang ng likha ng Disney Production UK na pinamagatang “Parol” kung saan tampok and isang filipinong nanay.


Bali-baliktad at bali-balintong liriko na tanging tono lang ang makapagsasabi na ito ay pampaskong kanta— ang hindi mawawala sa tradisyon ng mga Pilipino pagdating sa pangangaroling. Nakaraang taon lang kung saan kahit na nasa gitna tayo ng pandemya at ipinagbabawal ang pangangaroling sa labas ng bahay ay tila ba hindi nagpasindak ang mga pinoy dahil nauso noon ang online caroling, kung saan sa social media nagpopost ng video at written Christmas song lyrics ang nangangaroling sabay lapag ng kani-kanilang Gcash number para sa kanilang talent fee. Isa sa mga patunay na kahit ano pang harapin ng mga Pilipino ay walang makapipigil sa masayang pagsalubong ng kapaskuhan.


Isa sa mga tatak Pilipino ang pagkakaroon ng mahabang Christmas season bukod sa kilala ang mga Pinoy sa pagiging palangiti’t masiyahin, ay kilala rin sila sa pagiging masaya kasama ang pamilya tuwing sasapit ang kapaskuhan. Dahil nasimulan na natin ang araw ng September, halina’t sabay-sabay tayong magcountdown hanggang Christmas Day. Simulan ang pag-iipon at magbudget pambili ng Christmas Tree at pang-regalo sa mga inaanak na bawal mong taguan. Malamig na ang simoy ng hangin, palatandaang Pasko’y malapit na. Setyembre na pala, Pasko na!

36 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page